Bambanti Festival: Isabela Para Sa Daigdig

Bambanti Festival : Isabela Para Sa Daigdig

82 views

Irene Tria | PinoyTrekker

Tinatayang 50,000 katao ang dumalo sa nakalipas na Bambanti Festival noong nakaraang buwan ng Enero. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na makarating ako sa probinsya ng Isabela. Lingid sa aking kaalaman, ang inakalang isang payak na probinsya sa Timog Luzon ay binubuo pala ng 34 munisipyo at 3 lungsod.

Bambanti Village

Bambanti Village

Tinaguriang “Queen Province of the North”, ang lalawigan ng Isabela ay itinuturing na pangalawang pinakamalaking probinsiya sa buong bansa.

Bukod sa pagiging “food center”, ang Isabela ang pumapangalawa rin pagdating sa rice production, patunay lamang na hitik sa likas yaman pang-agrikultura ang probinsya.

Bambanti Festival: Isabela para sa Daigdig

nangungunang produkto ng Isabela ang mais

Ang salitang Bambanti ay ang salitang Ilokano para sa scarecrow o panakot ibon. Itinuturing ng mga Isabeleno’s na isang imahe ng pagsibol ng bagong argikultura ang bambanti. Kung inyo raw pag-aaralan ang itsura ng isang bambanti ani ni Vice Governor Tonypet Albano ito ay maari mo maihalintulad sa isang krus ni Hesus. Kung kaya’t itinuturing nila na ang pagkakaron ng isang Bambanti ay pagkakaroon ng proteksyon hindi lamang sa mga peste sa kanilang mga pananim kundi pati na rin sa mga kalamidad na maaring tumama sa kanilang probinsya.

Bambanti Mascot

Bambanti Mascot

Narito ang ilang mga higanteng bambanti mula sa iba’t ibang munisipyo ng Isabela kungsaan nanalo ang munisipyo ng Roxas:

Municipality of Roxas Giant Bambanti Grand Winner

Municipality of Roxas
Giant Bambanti Grand Winner

Municipality of Cordon

Municipality of Cordon

Municipality of Cabagan

Municipality of Cabagan

Nagkaroon din ng cooking show o Kusinero ng Isabela Expert sa Inabraw kung saan ang nanalo ay ang munisipyo ng Tumauini.

Kusinero ng Isabela Expert sa Inabraw

Kusinero ng Isabela Expert sa Inabraw finalists

Kusinero ng Isabela Expert sa Inabraw grand winner from municipality of Tumauini

Kusinero ng Isabela Expert sa Inabraw grand winner from municipality of Tumauini

Dumalo rin sina Miss Earth 2016 Katherine Espin ng Ecuador at ang humalili sa iniwang puwesto ni Miss Earth Philippines 2016 (Imelda Schweighart) na si Loren Artajos na tubong Ilokos naman.

(L-R ) Miss Earth Philippines Loren Artajos, Miss Earth 2016 Katherine Espin ng Ecuador at Isabela Vice Governor Tonypet Albano

(L-R ) Miss Earth Philippines Loren Artajos, Miss Earth 2016 Katherine Espin ng Ecuador at Isabela Vice Governor Tonypet Albano

Isa rin sa mga pinaghahandaan ng mga Isabeleños ang streetdance competition kung saan ang nanalo ay ang Municipality of Quirino.

Bukod dito nagkaroon din ng paligsahan para sa Best Festival King & Queen Costume kung saan nanalo ang Municipality of Luna samantalang tinampok naman na Festival King & Queen and Municipality of Roxas.

Best Festival King & Queen, Municipality of Luna

Best Festival King & Queen, Municipality of Luna

Festival Best King & Queen Costume Winner, Municipality of Roxas

Festival Best King & Queen Winner, Municipality of Roxas

Natapos ang Bambanti Festival ng isang concert at fireworks display na pinamunuan ng ABSCBN’s Divas na sina Yeng Constantino, Kz Tandingan, Kyla at Angeline Quinto.

Bambanti Festival: Isabela para sa Daigdig

Tunay ngang sulit na sulit ang 8hrs, 28mins na biyahe mula Manila papuntang Isabela. Kung naghahanap kayo ng perfect getaway lalo na’t papalapit na ang summer, bakit hindi niyo subukang tuklasin ang probinsya ng Isabela kaysa makipagsiksikan sa Baguio at Subic? Siguradong marami kayong matutuklasan na bagong tourist destination bukod pa sa mga napakasarap na pagkain na tangin sa Isabela lang mayroo.

 

Check my other blogs on: FoodFindsAsia, Gogagah, BravoFilipino, Vigorbuddy

 

 

 

 

 

 

 

 

Share This!Share on FacebookShare on Google+Tweet about this on TwitterShare on LinkedIn

Leave a Reply

Your email address will not be published.

You may use these HTML tags and attributes: <a href="" title=""> <abbr title=""> <acronym title=""> <b> <blockquote cite=""> <cite> <code> <del datetime=""> <em> <i> <q cite=""> <s> <strike> <strong>

*