Irene Tria | PinoyTrekker

Minsan kong narinig na “kalokohan” daw ang pag-akyat ng bundok, sabi ko naman, hindi naman kalokohan matatawag yun lalo na’t sa katulad kong maraming deficiency.

Yes!I must admit, I am definitely not physically fit. I have dextroscoliosis. I am Acrophobic (fear of heights). I am claustrophobic (fear of confined places). And lastly, I have problems with balance because i’m semi-flat footed.

Hindi kalokohan ang matatawag dun kundi, conquering fears.

Ano nga ba ang nakukuha ko sa pag-akyat ng bundok? ‘Yan ang tanong sa akin ng magulang ko. Bukod sa papagurin ko raw ang sarili ko eh ilalagay ko pa sa panganib ang buhay ko, dahil ang aksidente ay laging nandyan, kahit anong pag-iingat hindi mo maiiwasan.

So anong satifaction nga ba ang nakukuha ko sa pag-akyat ng bundok?

  1. One with mother nature – believe it or not, I’m a nature lover hindi nga lang obvious. It amazes me, every time I see trees, mountains, at higit sa lahat, sobrang priceless to see a virgin forest kung saan ang dahilan ng pagkabasa at pagkadulas ng ay sa hamog. Sobrang kahit mahirap ang pag-akyat at delikado, sulit naman ng marating ko ang summit ng Mt. Tarak Ridges.

    Mt Tarak Summit
    Mt Tarak Summit, Mariveles Bataan
  2. Peer pressure? – hindi peer pressure ang pag-akyat ko ng bundok kundi bukal sa aking loob. Oo masarap kasama ang mga kaibigan mo habang tinatahak ang daan patungong langit. Dahil ang pakiramdam mo ay parang nasa langit ka na kapag naabot mo ang tuktok ng bundok.

    Mt Tarak Ridges
    Mt Tarak Ridges Mariveles Bataan
  3. Challenge accepted – dahil sa mga iniinda kong kahinaan both physically and psychologically, napatunayan ko na kaya ko. Na ang takot ang dahilan ng pagkabigo. Bakit ka nga susuko eh hindi mo pa nga nasusubukan?

    Mt Tarak Assault
    Mt Tarak Mariveles Bataan
  4. Mayaman ang Pilipinas – sa tuwing umaakyat ako ng bundok, halong kasiyahan at kalungkutan ang nararamdaman ko, masaya ako dahil ang dami pang bundok na matatayog pa ang mga puno, sobrang virgin pa, malamig ang simoy ng hangin sa loob ng kagubatan, sobrang preserved. Ngunit nalulugkot ako sa mga basurang iniiwan ng mga umaakyat. Simpleng maliit na balat ng kendi, hindi pa maisilid sa mga bulsa nila para sa pagbaba na lang nila maitapon sa basurahan.

    Mt BatoLusong Sea of Clouds
    Mt BatoLusong Tanay Rizal
  5. Witness God’s creation – tunay ngang mapaghimala ang Diyos. Sinong magaakala na sa tuktok ng bundok kung saan diretsong tumatama ang sikat ng araw ay may mga halaman na doon mo lang masisilayan. That everything on earth has its purpose. We live to become a blessing to each and everyone.

    Mt Maculot Traverse
    Mt Maculot Batangas
  6. Push yourself to the limit – sa dami ng kahinaan ko, hindi yun naging balakid upang di ko marating ang tuktok ng bundok. Napatunayan ko na nasa isip lang lahat ng iyan, kung negatron ka di ka talaga makakarating ngunit kung sasabihin at iisipin mo, na kaya mo, hindi mo mapapansin na andun ka na pala. Okay lang madulas, madapa paminsan-minsan, ang importante hindi ka sumuko at wala kang “what if” sa buhay mo.
    Mt BatoLusong Paliparan Camp Site
    Mt BatoLusong Tanay Rizal

    Mt Tarak Ridges Mariveles Bataan
    Mt Tarak Ridge

Masakit sa katawan, nakakapagod, pero hindi ako titigil na tuklasin pa ang mga natitirang bundok sa Pilipinas. Ika nga ng pinsan ko, “Faint hearted are only for the weak”.  Mayaman ang Pilipinas hindi lang natin inaalagaan.

Mt BatoLusong Tanay Rizal
Mt BatoLusong Tanay Rizal

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here