Rod Gabriel | PinoyTrekker

Huli sa aktong pagsingil ng sobra ang isang taxi driver sa Hongkong sa kanyang turistang pasahero. Ang nasabing turistang pasahero, pulis pala.

Bandang alas-otso ng gabi noong Sabado, isang nakasibilyang pulis na nagpapanggap na turista ang pumara sa isang taxi sa Peak Galleria at nagpahatid sa Fringe Club, Lower Albert Road sa tuktok ng Lan Kwai Fong.

Tila sadyang hindi naibaba ng taxi driver ang metro niya, at naningil ng HKD 400 (4 hanggang 8 beses na mas mahal sa karapatdapat na singil) pagdating nila sa Fringe Club.

Sa pagkakataong iyon, ang nakasibilyang pulis na nagpanggap na turista ay nagpakilala at inaresto ang taxi driver sa labis na paniningil.

Ang taxi driver na nagngangalang Wong, 38 taong gulang ay inaresto at dinala sa presinto upang masusing imbestigahan.

Photo from Oriental Daily
Photo from Oriental Daily

Ayon sa batas ng Hongkong, ang sinumang taxi driver na labis na maningil, tumanggi at magsabi ng hindi magagandang salita sa kanilang pasahero ay makukulong ng 6 na buwan at multang HKD 10,000.

Sana sa Pilipinas may ganito na.

Sundan ang iba ko pang blogs sa Foodfindsasia, BravoFilipino at Gogagah.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here